CHAPTER 9

1410 Words
"Avi ano ba kasing nangyari? Kanina pa kita tinatanong pero wala ka namang kibo," tanong sa akin ni River. Ayokong umiyak pero kusang pumapatak na lang ang aking mga luha. Narito na kami ngayon ni River sa bahay niya at dinala niya muna ako sa kaniyang kuwarto dahil baka biglang dumating ang mga magulang niya na invited din sa party at magtaka kung bakit ako naririto. "Ri-river," hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng hindi ko na mapigilang mapahagulgol. Nilapitan naman niya ako at niyakap ng mahigpit. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Ang lalaking hindi ko lubos maisip na magagawang lokohin ako at saktan ang damdamin ko ay winasak ng tuluyan ang puso ko at ang pagtitiwala ko. "River bakit niya nagawa 'yon? Ano bang pagkukulang ko sa kan'ya? s*x ba kaya niya ako pinagpalit sa pinsan ko?" wika ko sa pagitan ng aking pag-iyak. "Avi hindi naman ako nagkulang ng paalala sa'yo 'di ba? Mabuti na nga lang at nalaman mo bago pa kayo ikasal, dahil kung hindi ikaw rin ang mahihirapan." Kumalas naman ako sa kaniya at pinunasan ang aking mga luha. "I saw them having." Napakagat ako ng aking ibabang labi ng maalala ang aking nakita sa fire exit. "Huwag mo ng sabihin Avi dahil alam ko na kung ano 'yon" "River, hindi ko alam kung paano ako magmo-move on. Hindi ko alam kung paano ko ito kakayanin. Tang-ina River ang sakit! Hindi ko matanggap na kaya niya akong saktan ng ganito!" "Ssssh, Avi tahan na. Hindi niya deserve ang mga luha mo. Oo masakit talaga Avi ang ginawa niya sa'yo. Lalo na't matagal na kayong magkasintahan. Huwag niyang idahilan na inakit siya dahil ang lalaki kapag loyal 'yan sa jowa niya kahit anong himas pa sa kaniya hindi 'yan magloloko at isa pa hindi tatayo ang cactus niyan!" "Thank you River, hindi ko alam ang gagawin ko kapag wala ka" "You know naman Avi na I'm always here for you kahit na sobrang tanga ka na sa pag-ibig" "Grabe ka naman maka-tanga, nagmahal lang naman ako ah!" nakanguso kong saad sa kaniya. "Yeah right Avi nagmahal ka lang pero sobra naman yata ang pagmamahal mo. Pag pumangatlo ka pa Avi ikaw na talaga ang reyna ng martires!" Sermon naman niya sa akin. "Malay mo River balang araw ma-in love ako sa'yo," pansin ko ang panlalaki ng mga mata niya sa aking sinabi. "Hoy Avi! Hindi porke naging mabait akong kaibigan sa'yo puwede ka ng ma-in love sa'kin ah! Kadiri ka! Hindi ko keribells. At isa pa hindi para sa'yo ang cactus ko noh, hindi ito tatayo sayo" "Biro lang! Saka feeling mo naman! Malaki nga 'yang cactus mo wala namang silbi!" "Magkakaro'n din ng silbi 'to balang araw!" natahimik naman akong bigla at napayuko. Siguro ay hinahanap na nila ako lalo na ang mga magulang ko. Hindi ko alam kung paano ko naman ipapaliwang sa kanila ang mga nangyari. Ayokong umuwi, at lalong-lalo na ayokong makita si Aries. "Avi, ano na ang balak mo ngayon? Sasabihin mo na ba sa kanila?" "River, help me please?" "Hoy Avi ayokong magpanggap na third party mo ah!" Sabay irap pa nito sa akin at tumayo sa kan'yang pagkakaupo sa kama. "That's not what I mean" "E ano?" Huminga muna ako ng malalim saka siya muling binalingan. "I want to borrow your car and please lend me some money" "What?! Saan ka naman pupuntang gaga ka?" "I don't know River, gusto ko munang magpaka layo-layo" "Tatakasan mo 'yong problema mo gano'n? Avi you have to face your problem" "Gusto ko munang lumayo River. Kaya please tulungan mo 'ko," pagsusumamo ko sa kan'ya. Umupo naman siya sa aking tabi at hinawakan ang aking kamay. "Avi, you know your dad. Mahahanap at mahahanap ka niya kung sakali" "I know, kaya gagalingan kong magtago para hindi niya 'ko matunton." Wala na rin siyang nagawa kaya pinahiram niya na rin sa'kin ang kotse niya at pinahiram niya ako ng pera. Binigyan naman ako ng damit ni River na kinuha pa niya sa kapatid niyang babae. Mabuti nalamang at nagkasiya ito sa akin. "Oh Avi basta mag-iingat ka ha? At ito ang cellphone tawagan mo ako kung saan ka na napadpad." Sabay abot niya sa akin ng cellphone. Niyakap ko naman siyang bigla at nagsimula na naman akong maiyak. "Salamat River, sobrang thank you talaga!" Kumalas naman siya ng pagkakayakap sa akin at kinurot ang aking pisngi. "Basta huwag mo akong kalimutang tawagan okay? At kung may fafabols naman sa pupuntahan mo please lang Avi sabihin mo sa'kin" "Bakit naman? Don't worry hindi na ako magpapaloko" "Hindi 'yon gaga!" "E ano?" "Para puntahan ka syempre. Malay mo sa kaniya ko magamit ang cactus ko" "Kadiri ka River!" Pinalo ko pa siya sa kaniyang braso. "Mas nakakadiri kung sa'yo ko 'to gagamitin no! Pareho tayong babae. "Pusong babae River, dahil cactus ang meron ka," inirapan lang niya ako. Nasa garahe na niya kami at nakasakay na rin ako sa sasakyang hiniram ko sa kaniya nang ibaba ko ang bintana at muli siyang sinulyapan. "I'm gonna miss you River" "Sana Avi sa pagbabalik mo itinapon mo na kung saan ang puso mo sa kaniya," mapait naman akong ngumiti sa kaniya. "I don't know River kung kailan," malungkot ko namang wika sa kaniya. "O siya sige na Avi, baka bigla nang dumating sila mama at papa at baka sumugod pa rito mga magulang mo at hanapin ka." Bigla naman akong nataranta sa sinabing iyon ni River. Hindi malabong hindi nila ako hanapin kay River dahil alam nilang siya lang ang pinaka-malapit kong kaibigan. Mabilis naman akong umalis sa kanila at hindi ko naman alam kung saan ako pupunta, dahil ang gusto ko lang makalayo sa taong nanakit sa akin. Dahil kapag nanatili pa ako roon ay hindi mawawala ang sakit na nararamdaman ko. All this years sa kaniya lang umiikot ang mundo ko kaya sobrang hirap tanggapin ang nangyaring iyon. Aaminin ko sa sarili ko na wala akong lakas ng loob na harapin sila at sabihin ang katotohanan dahil isa akong duwag. Habang nagmamaneho naman ako ay panay agos ng aking luha. Nanlalabo na rin ang aking paningin dahil sa walang humpay na pagbagsak ng aking mga luha. Inihinto ko muna ang sasakyan sa tabi dahil hindi ko na kaya ang sakit na aking nararamdaman. Sapo ko ang aking dibdib habang patuloy na humahagulgol. Siya na lagi kong karamay at pinaramdam sa akin kung gaano niya ako kamahal at ka-importante sa kaniya. Pero ang lahat ng iyon ay kasinungalingan lang pala. Nang mahimasmasan na ako ay muli kong pinaandar ang sasakyan. Hindi ko na alam kung saang lupalop ako napadpad. Basta ang gusto ko lang ay makalayo. Tinignan ko ang relo kong pambisig at nagulat pa ako ng mapagtanto na matagal na pala akong bumabiyahe. Madaling araw na rin at hindi ko pa alam kung nasaan na ako at kung saang lugar ako mamamalagi. Binagalan ko naman ang patakbo ko at nakita ko ang nakapaskil sa gilid ng kalsada. Nasa Quezon na pala ako at malayo na ang aking narating. Bahagya kong binuksan ang bintana ng aking kotse at nilanghap ang sariwang hangin. Napangiti naman ako dahil sa lamig ng hangin na dumadampi sa aking pisngi. Kakaiba ang klima dito kumpara sa Maynila, sariwa ang hangin at walang polusyon. Mas lalo pa akong namangha ng makakita ako ng mga naglalakihang puno ng niyog at magagandang tanawin. Ngayon lang ako nakarating sa ganitong lugar dahil kadalasan ay puro naglalakihang gusali ang nakikita ko o 'di kaya ay nasa ibang bansa naman ako. Binasa ko naman ang nakalagay sa arko bago ako makalagpas doon. "Bayan ng Montealegre?" Pinagpatuloy ko naman ang pagtitingin-tingin sa bawat nadaraanan ko habang mabagal naman ang aking patakbo. Wala rin naman masyadong dumadaan sa lugar na ito kaya ayos lang naman siguro na bagalan ko ang aking patakbo. Maya-maya pa ay nakakita naman ako ng bundok at inihinto ko muna sa tabi ang aking sasakyan. Bumaba ako at sumandal sa nguso ng kotse at pinagmasdan ang bundok sa aking harapan habang papasikat naman ang araw. Kay ganda nitong pagmasdan. Itinaas ko pa ang isang kamay ko na tila ba'y gusto ko itong abutin. Dahan-dahan ko ring ibinaba ang kamay ko at napangiti na lang ng pilit. Sa pagkakataong ito ay dito ko sisimulang kalimutan si Aries at lahat-lahat ng mga pinagsamahan namin at sa lugar na ito ay dito ko rin itatapon ang pagmamahal ko sa kaniya bago man lang ako bumalik sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD