Pumunta naman ang mga magulang ni Aries sa bahay para pag-usapan ang engagement party namin. Nasa sala kami at katatapos lang din namin mag-dinner. Katabi ko si Aries at sa harap naman namin ang aming mga magulang at si Ellie at tita Bridgette ay nasa gilid ko lang nakaupo.
"So, hija sigurado ka bang gusto mo muna makapagtapos ng pag-aaral mo bago kayo ikasal ni Aries?" tanong sa akin ni tita Ariella ang mama ni Aries.
"Yes po tita, gusto ko kasi muna maka-graduate para kapag mag-asawa na kami naaasikaso ko si Aries," hinawakan naman ni Aries ang kamay ko at masuyong hinalikan. Kita ko naman sa peripheral vission ko ang pag-irap ni Ellie na parang gusto kong matawa dahil sa kaniyang itsura.
"Don't call me tita hija, dahil hindi magtatagal ay magiging daughter-in-law na rin kita kaya tawagin mo na akong mama Ariella"
"Sige po mama Ariella"
"Mawalang galang na po sa inyo ha," sabay naman kaming napalingon kay tita Bridgette ng magsalita siya. "Hindi ba masyado pang maaga para sa engagement nila? Saka ang bata pa ni Avi she's only nineteen years old magbabago pa ang isip niyang mga bata na 'yan"
"Bridgette katulad ng sinabi ni Avi, hindi muna siya magpapakasal hangga't hindi pa siya nakakatapos ng pag-aaral niya. At saka wala namang kaso dahil engagement party pa lang naman 'yon walang pilitang naganap. Gusto namin silang ipakilala bilang tagapagmana ng kumpanya," paliwanag naman ni daddy. Tinaasan pa ako ng kilay ni tita Bridgette kaya ako na rin ang umiwas ng tingin sa kan'ya.
"Concern lang naman po tito si mama, malay mo naman may makilala si Avi na mas higit pa pala kay Aries, o 'di kaya si Aries may makita rin na mas higit kay Avi na hindi naman kayang ibigay ni Avi sa kan'ya." Naramdaman ko ang mahigpit na pagkakahawak ni Aries sa aking kamay kaya napadako ang tingin ko sa kan'ya. Nanlilisik ang mga mata niyang tinignan si Ellie at pansin ko ang pag-igting ng kaniyang panga. Hinarap ko naman si Ellie at hindi pinahalata sa kaniya ang aking pagkainis dahil alam kong mas lalo lang niya akong iinisin.
"Ellie, ilang lalaki na ba ang nakilala mo? Kung sa tingin mo 'yong mga nakikilala mo ay katulad ni Aries na walang kainte-interes sa'yo puwes ang malas mo. Alam kong ni isa wala pang sumeryoso sa'yo kaya masyado kang bitter." Sasagot pa sana si Ellie ng magsalita naman si mama.
"Tama na 'yan, nakakahiya sa mga magulang ni Aries"
"Iyang anak niyo po ang pagsabihan niyo tita, I'm just concern dahil mas matanda ako sa kaniya"
"Well thanks for your concern Ellie, I don't need that. At lalo na kung galing sa'yo"
"Enough Savianna!" sigaw ni daddy na ikinagulat naming lahat. "Bridgette and Ellie, hindi kayo ang magdedesisyon para sa anak ko! Alam kong nag-aalala kayo. At may tiwala naman kami kay Aries na hindi niya sasaktan ang anak ko. At alam kong mahal nila ang isa't-isa simula noong mga bata pa lang sila. Aries hijo, I trust you. Huwag mo sanang sirain ang pagtitiwala namin sa'yo," baling ni daddy kay Aries. Matagal bago siya nakasagot.
"Y-yes po tito, makakaasa po kayo"
"Liar," narinig kong sinabi ni Ellie pero hindi ko na lamang ito pinansin.
Maya-maya pa ay naramdaman kong nag-vibrate ang telepono ko at kinuha ko naman ito sa bulsa ng aking pantalon. Nakita kong si River ang tumatawag kaya nagpaalam muna ako sa kanila na sasagutin muna ang tawag. Nagtungo muna ako sa garden saka ito sinagot.
"Oh River napatawag ka?"
"Kumusta naman ang pamamanhikan?"
"Ayos lang naman"
"Hoy bruha ka, sigurado ka na ba talagang pakakasalan mo 'yang si Aries?"
"Oo River, nararamdaman kong hindi na mauulit pa ang nangyari sa kanila ni Ellie"
"At paano ka naman nakakasiguro?!"
"Basta nararamdaman ko 'yon River"
"Ewan ko sa'yong gaga ka! Huwag kang pakasisiguro friend kahit na wala siyang interes kay Ellie kapag nalibugan 'yan hindi na niya mapipigilan pa 'yan at bigla na lang tatayo ang cactus niyan!"
"Alam mo ikaw River imbes na i-cheer up mo 'ko kung ano-ano pa sinasabi mo nakakainis ka!" nakanguso kong wika na animo'y nakikita niya.
"Avi dapat advance ka mag-isip. Hindi porke sinabi niya sa'yo na mahal ka niya na hindi ka niya kailanman lolokohin ay totoo na 'yon. Dahil ang lalaki kapag nalibugan 'yan at once na tumayo ang cactus niyan mahirap ng pigilan 'yan lalo na kapag pareho silang malandi!" Natigilan naman ako sa sinabi ni River, alam kong may katotohanan ang mga sinabi niya sa akin. Siguro nga pinapaniwala ko lang ang sarili ko na hindi na niya gagawin pa sa akin 'yon. Tama si River kailangan ko makasiguro na si Ellie lang ang umaakit sa kan'ya at lasing lamang si Aries noon.
Nang matapos kong kausapin si River ay pabalik na sana ako sa loob ng makarinig naman ako ng nag-uusap sa 'di kalayuan. Hinanap ko naman kung saan iyon nanggagaling.
Nakita ko si Aries at Ellie na matamang nag-uusap malapit sa pool. Nagtago naman ako sa pagitan ng mga pader para hindi nila ako mapansin. Kita ko ang masamang tingin ni Aries sa pinsan ko at si Ellie naman ay nakahalukipkip at nakangisi kay Aries.
"Aries alam kong ginusto mo 'yon. Gigil na gigil ka pa nga no'n eh"
"Shut up Ellie! Alam mong hindi 'yan totoo," mahina pero may diing wika niya.
"Talaga ba? Kung hindi mo ginusto sana nagpigil ka." Lumapit pa si Ellie sa kan'ya at inilagay ang kan'yang kamay sa balikat ni Aries. Ngunit mabilis na tinanggal ni Aries ang kamay ni Ellie at mahigpit nitong hinawakan.
"Don't you dare tell that to Avi dahil baka kung ano ang magawa ko sa'yo." Sabay balibag nito sa kamay ni Ellie.
"I think she already know"
"What?"
"Nagmamaang-maangan lang si Avi na walang alam Aries." Hindi nakapagsalita si Aries at kunot noo siyang tinitigan.
"Alam na niya ang totoo pero nagtanga-tangahan lang siya. Sobrang pagmamahal niya sa'yo kahit na niloloko mo na siya"
"That's not true Ellie! You suck!" Pagkasabi niyang iyon ay umalis na kaagad si Aries at naiwang magkasalubong naman ang kilay ni Ellie. At dahil doon ay lumabas na ako at hinarap si Ellie. Nagulat pa siya nang makita ako. Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa at nginisian siya.
"Desperate woman. Wala ka na bang lalaking maaakit mo at pati ang mapapangasawa ko ay kailangan mong akitin? Well Ellie, sorry pero madamot ako. Hindi ko shineshare kung ano ang pag-aari ko." Matapos kong sabihin 'yon ay tumalikod na ako ngunit hindi pa ako nakakalayo ay muli na naman siyang nagsalita.
"Let's see Avi. Tignan natin kung hanggang saan iyang tiwala mo." Imbes na patulan siya ay nagpatuloy na lang ako maglakad papasok sa loob.
Napagpasyahan namin na ganapin ang engagement party makalipas ang isang linggo noong magpunta ang mga magulang ni Aries sa bahay. At ito na ang araw na 'yon.
Sinuot ko naman ang isang elegant red dress na hapit sa aking katawan kaya lumabas ang kurba ng katawan ko. Ang backless nito ay hanggang bewang ko at medyo mahaba ang slit sa kanang bahagi ng hita ko. Itinali ko naman pataas ang aking mahabang buhok. Glass shoes naman na mala-cinderella ang sinuot kong sapatos. Tapos na akong mag-ayos nang dumating si Aries para sunduin ako. Pababa naman ako sa aming mahabang hagdan ng mamataan siyang nakaupo at tila hinihintay ako. Napahinto ako sa aking paghakbang at sinuri ang kaniyang itsura.
Napaka-guwapo niya sa suot niyang amerikana, and he's so damn hot! Kaya naman baliw na baliw si Ellie sa kaniya at pilit na inaakit siya. Simula noong mga bata pa lang kami ni Aries ay hindi nagbago ang itsura niya. Guwapo pa rin siya kahit saang anggulo tignan. Bigla namang pumasok sa isip ko ang lalaking nakasiping ko sa hotel. Ipinilig ko pa ang aking ulo para alalahanin ang kaniyang itsura. Naputol lang ito ng tawagin na ako ni Aries na naghihintay sa aking pagbaba.
"Avi?" Napatingin akong bigla sa kaniya at nakangiti naman siyang nakatingala sa akin.
Dahan-dahan akong bumaba, at nang makababa na ako ay inilahad naman niya ang kaniyang palad na siya namang tinanggap ko.
"You're so beautiful hon," bulong niya sa kin.
"You too. Sobrang guwapo mo hon," natawa naman siya ng mahina pagkasabi kong iyon.
Nang makarating na kami sa isang sikat na hotel kung saan gaganapin ang engagement party ay marami na kaagad tao at karamihan ay puro mga businessman at business associate ng aming pamilya. Umupo naman kami ni Aries kasama ang kaniyang mga magulang at ang aking mga magulang sa iisang mesa. Nakita ko naman sa 'di kalayuan ang mag-ina na si tita Bridgette at ang pinsan kong si Ellie. Umismid pa si Ellie sa akin bago uminom ng hawak niyang wine. Napapailing na lang ako sa kaniya at ibinaling na lang ang atensyon ko kay Aries.
"Napaka-ganda mo hija," puri sa akin ng mama ni Aries.
"Salamat po mama Ariella"
"Hon iwan muna kita saglit ha? Kakausapin ko lang iyong mga business partner namin," tumango lamang ako sa kaniya at hinalikan naman ako sa aking pisngi bago siya tumayo.
Masaya naman kaming nagkukuwentuhan ng mga magulang ko at mga magulang ni Aries ng mapansin ko na hindi pa bumabalik si Aries. Nagpalinga-linga ako habang nakaupo sa aming puwesto pero hindi ko pa rin siya makita.
"Mom, dad excuse me lang po magbabanyo lang po ako," paalam ko sa kanila.
"Sige hija bilisan mo lang ha? At maya-maya mag-uumpisa na ang engagement party niyo"
"Yes dad." Tumayo na ako at tinungo kung nasaan ang comfort room. Papasok na sana ako sa loob ng may marinig naman akong isang halinghing ng babae. Sinundan ko kung saan ito nagmula at napahinto ako sa isang fire exit. Dito nanggagaling ang narinig ko kani-kanina lang. Huminga muna ako ng malalim at unti-unting binuksan ang pintuan nito.
Pagkabukas ko ay para akong tuod na nanunuod sa bawat galaw nila. Ang mga luha ko ay parang gripo na panay agos sa aking pisngi.
Si Ellie na nakahubad na ang suot nitong gown na nasa bewang na nito at kita na ang kaniyang dalawang dibdib. At si Aries naman ay abala sa ibabang bahagi niya habang nakapikit si Ellie at nakahawak pa sa ulo ni Aries at sarap na sarap sa ginagawa sa kaniya.
Ni isang salita ay walang lumabas sa akin at mablis akong umalis sa lugar na iyon. Narinig ko pa ang pabagsak na pagsara ng pinto ng fire exit. Alam kong narinig nila iyon pero hindi ko na ito nilingon at mabilis na tumatakbo palayo. Habang tumatakbo naman ako ay hindi ko naman mapigilang umiyak at nadapa na lang ako dahil sa suot kong 4 inches heels. Tinanggal ko ito at ibinato na lang kung saan.
Nakalabas ako ng hotel na walang sapin ang aking mga paa.
Hindi ko naman alam kung saan ako patungo basta ang alam ko ay gusto kong makalayo sa lugar na 'yon. Hindi ko alam kung ilang oras na akong naglalakad at medyo masakit na rin ang aking mga paa. Nakakita naman ako ng isang convenience store at pumasok doon. Alam kong pinagtitinginan na ako ng mga tao dahil sa aking itsura pero hindi ko na lamang ito pinansin. Lumapit naman ako sa isang cashier para manghiram sana ng cellphone dahil tanging si River lang ang makakatulong sa akin.
"Miss puwede po bang makitawag? Kailangan ko lang tawagan ang kaibigan ko." Tinignan niya muna ako at napatingin siyang bigla sa guwardiya ng convenience store. "Don't worry Miss wala akong masamang intensiyon kailangan ko lang talaga tawagan ang kaibigan ko. Kung gusto mo ikaw pa ang mag-dial ng number niya"
"Hoy ikaw! Bawal ang baliw dito!" sigaw ng guard sa akin nang makalapit na siya at hinawakan pa ako sa aking braso.
"Manong guard hindi po ako baliw, kailangan ko lang talagang makitawag pakiusap po!" Hindi niya ako pinakinggan at kinaladkad niya ako palabas ng convenience store. Napasubsob naman ako nang bitawan niya ako. Nakita ko na lang na may palad na bumungad sa aking harapan para tulungan akong makatayo. Tiningala ko naman siya ngunit masama ang titig niya sa guwardiya na kumaladkad sa akin. Nang hindi ko ito tinanggap ay siya na mismo ang humawak sa magkabilang braso ko para itayo ako.
"Sa-salamat." Nakakatakot ang itsura niya hindi dahil sa mukha niya, kun'di dahil sa awra niya. Masasabi kong may kakaiba sa kaniya na hindi ko maipaliwanag.
"Why you do that?" malamig niyang saad sa guwardiya na kumaladkad sa akin.
"Boss baliw po 'yan eh!"
"How sure you are?"
"Tignan niyo naman ang itsura niya parang wala sa sarili at isa pa__"
"Gusto niyong mawalan ng trabaho ora mismo?" mahinahon pero may galit sa kaniyang boses. Hindi nakapagsalita ang guwardiya at yumuko na lamang ito. Muli naman akong binalingan ng lalaking tumulong sa akin.
"Anong ginagawa mo sa lugar na 'to?" Hindi kaagad ako nakapagsalita at tinitigan lang siya.
"Can I, ahm, bo-borrow your phone? I need to call my friend," nauutal kong wika sa kaniya. Hindi naman siya nagdalawang isip ay iniabot niya itong kaagad sa akin.
Lumayo muna ako ng bahagya sa kan'ya at tinawagan si River.
"Hello?" Halata sa boses niya na nagising siya sa aking tawag.
"Hello River si Avi ito. Puwede ka bang pumunta rito? Garalgal kong wika sa kaniya.
"Avi?"
"Please River help me"
"Nasaan ka?!" Sinabi ko naman sa kaniya ang lugar kung saan ako naroroon. "Sige Avi hintayin mo ako riyan okay? Huwag kang aalis. I'll be right there in fifteen minutes."
Matapos ko siyang kausapin ay ibinalik ko na ang cellphone sa lalaking tumulong sa akin. Kinuha niya ito kaagad at inilagay sa bulsa ng kaniyang pantalon.
"Okay ka na ba?"
"H-ha? Don't worry pupuntahan na ako rito ng kaibigan ko," tumango siya at akmang sasakay na sa kaniyang sasakyan ng tawagin ko siya.
"Mr Hulk!" Lumingon siya sa akin at tumaas pa ang isang kilay niya. Napapikit na lang ako at napagtanto ang tinawag ko sa kaniya. "Salamat." Tanging nasabi ko na lang at sumakay na siya sa sasakyan niya.
"Ang mga mata niya parang may kamukha?" wika ko sa aking sarili habang nakatanaw sa sasakyan niyang papalayo sa aking kinaroroonan.