ROCO POV: “Doc, how is she?” tukoy ko kay Avi matapos niya itong suriin. “She’s totally fine and the baby you don’t need to worry.” Ngumiti siya sa akin at tinapik ako sa aking balikat at umalis na rin. Lumapit ako kung saan nakahiga si Avi at hinawakan ang kaniyang kamay. Napadako ang tingin ko sa maliit pa niyang tiyan at marahan itong hinimas. Alam kong hindi niya pa alam na buntis siya at hindi pa nito sinasabi ni Aries sa kan’ya. Maya-maya pa ay dumating naman ang kaniyang mga magulang dahil tinawagan ko sila at sinabing nandito kami sa ospital. Ilang sandali pa ay niyaya naman ako ng kaniyang ama sa isang coffee shop para doon kami mag-usap. “Thank you,” wika ng daddy ni Avi kaya napaangat ako nang tingin sa kaniya at seryosong nakatitig sa akin. “P-para saan po?” “Sa pagligt

