Pagkagising ko naman ay napabalikwas akong bigla at kaagad akong pinuntahan ni mommy at daddy sa aking kama. Napansin ko na nasa pribadong kuwarto ako rito sa ospital at may nakakabit pang dextrose sa kaliwang kamay ko. Naalala ko ang nangyari sa amin at bigla akong nakaramdam nang kaba dahil tila isang panaginip ang nangyaring iyon kay Aries. Maluha-luha ko naman silang hinarap at hinawakan pa ni mommy ang dalawang kamay ko. “M-ma, ano po ang nangyari? Bakit andito po ako sa ospital?” garalgal kong wika. “A-anak, nawalan ka nang malay kagabi” “Si Aries po mommy? Nasaan po siya?” Hindi nila ako sinagot at nagkatinginan pa sila ni daddy na tila sa isip nag-uusap. “Hija, w-wala na si Aries.” Napamaang ako sa sinabing iyon ni daddy. Kung ganoon ay hindi isang panaginip ang nangyaring iy

