Napaatras akong bigla at napasandal sa puno nang marinig kay Aries na nagdadalantao si Ianne. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kan’ya dahil naipangako ko sa aking sarili na hinding hindi ko na siya pababayaan. Pinagsusuntok ko naman ang puno at wala akong pakialam kahit na magsugat pa ang aking kamao. Inawat lang ako ni Gascon at ni Aries at pagkuwa’y tinulak ako ni Aries at hinarap ako na masama ang tingin sa akin. “Sa tingin mo ba makakatulong ‘yan?! Nanganganib ang buhay ngayon ni Avi! Kailangan na natin siyang mailigtas,” sigaw ni Aries sa akin. “It’s my fault, kung hindi ko sana tinago sa kaniya at nagpakatotoo lang sa kaniya hindi sana aabot sa ganito,” naiiyak kong turan. “Puwede ba Roco huwag mo nang sisihin pa ang sarili mo. Mahabang panahon k

