PATRICIA CASTILLO-SY POV Kulang sa tulog, nauuhaw at nagugutom. Halos ang buong lakas ko ay naubos na dahil sa pag la-labor ko. “Bakit ibang-iba ito sa naranasan ko noon ng ipinanganak ko si Zoe at Zanjoe?’ tanong ko sa aking sarili. Butil-butil na pawis na ang tumutulo mula sa aking ulo. Lakad dito, lakad doon. Kung walang suporta ni Patrick baka kanina pa ako napaluhod dahil sa walang lakas kong tuhod. Gusto ni Patrick na epidural procedure pero umayaw ako. Gusto ko pa rin ang natural birth kagaya ng una kong dalawang anak. Kakayanin ko ang sakit para sa batang ilalabas ko sa aking sinapupunan. Nagising ako na nakahiga sa ward bed. Nararamdaman ko ang mas tumitinding sakit dala ng pag la-labor. “lang oras na ba ang lumipas? Kakayanin ko pa ba ito?” tanong ko sa aking sarili. Naramdama