PATRICK SY POV Ala-alalay si Patricia, nagtungo kami sa clinic ni Dra. Ngayon ang ultrasound ni baby at excited kami dahil malalaman na namin ang gender nito. Sa pagtatapos ng second trimester ni Patricia, nabawasan na ang mood swing nito at pag cra-crave sa pagkain. Kasa-kasama rin namin ang mga bata dahil gustong-gusto malaman ng mga ito ang gender ng baby. Nauna pa silang magyaya papunta rito. Sila pa ang nanggising sa amin dahil iniisip na baka ma-late kami sa appointment ni Patricia. “Behave kayo sa clinic, kasi pag naging makulit kayo, hindi sasabihin ni Dra ang gender ng kapatid niyo.” Paalala ko sa dalawa. “Opo, Daddy.” Saad ni Zoe. “Mommy, nag pray ako kay papa god sana baby girl ang kapatid ko.” “Mommy, ako naman, pinag-pray ko sana baby brother para may kalaro kami ni daddy