Synopsis
SGOPS: HE BROKE MY HEART, SO I MARRIED HIS BILLIONAIRE UNCLE
Kristine felt so heartbroken when she learns that her boyfriend was cheating behind her back. Ayaw pa niyang maniwala noong una na magagawa siyang pagtaksilan ng kaniyang pinakamamahal na nobyo, lalo na at malapit na silang ma-engage when she finished her studies. Kaya naman para mapatunayan kung totoo nga ang sabi-sabi at hindi lang ito basta tsismis. She did her own research just to capture him cheating on her.
One day, little did she know that she would catch him red-handed.
Kristine finally caught her boyfriend Malik Nalupa cheating behind her back. Ang masakit pa nito, ang bestfriend pa niyang si Althea na kababata niya at pinsan at itinuturing pa niyang parang tunay na kapatid ang nagtraydor pa sa kaniya!
Sa sobrang gulat niya na makita ang dalawa na gumagawa ng kababalaghan sa ibabaw ng kama ay hindi siya agad nakahuma. Natulala na lang siya sa kababuyan ng dalawa.
Akala niya ay nananaginip lang siya, iyon pala ay totoo na. Nahuli lang naman niya ang mga ito na nagtatalik sa sarili niyang kwarto at hindi na nahiya na roon pa gumawa ng kababalaghan ang mga traydor!
Nang makabawi siya sa kabiglaan ay agad na sinugod niya ang dalawa. She was so angry that she screamed so loud and cried.
Sinampal niya ang kaniyang magaling na nobyo at sinabunutan naman niya ang haliparot niyang kaibigan hanggang sa hilain niya ito pababa ng kama ng hubo't hubad.
Napakasakit para sa kaniya nang kaniyang natuklasan lalo na at sa sarili pa niyang kwarto inabutan ng libog ang dalawa. Ang hinala niya ay plinano ito ng haliparot niyang kaibigan para matuklasan niya ang pagtataksil ng mga ito at maghiwalay sila ng kaniyang nobyo.
Of all the people she knew, why did her best friend do this to her? What did she do to her to steal the man she really loves?
Sa galit na nadarama ni Kristine sa kaniyang puso ay nagawa niyang saktan ang babaeng itinuturing niyang kapamilya dahil halos sa bahay na nila ito nakatira. Iyon pala, tatraydurin lang siya nito at aagawin ang lalaking pinakamamahal niya. Sinabunutan niya ito ng sinabunutan hanggang malagas ang buhok nito at halos walang nagawa ang kaniyang boyfriend kun 'di ang panoorin ang ginagawa niya sa babaeng walang nagawa kun ‘di ang umiyak lalo na at nakalantad ang hubad niyang katawan.
Subalit hindi rin nakatiis si Malik na hindi pumagitna at pigilan sila. Hinila nito si Althea palayo sa kaniya. Nasaktan si Kristine sa ginawa ng kaniyang boyfriend lalo na nang itulak siya nito at muntik ng pagbuhatan ng kamay, natigil tuloy siya sa pananakit sa kawawang babae na akala mo ay siya ang aping-api sa kanilang dalawa.
Lalong nawasak ang puso ni Kristine nang aluin nito si Althea imbes na humingi ng tawad sa kaniya. Lalo na nang makita nitong pumutok ang labi nito at dumugo. Selos na selos siya sa nakita niyang pagiging concern ng kaniyang kasintahan sa kaniyang matalik na kaibigan. Inuna pa nitong aluin ang babae kaysa sa kaniya na galit na galit na nahuli silang nagtatraydor sa kaniya.
Hindi na niya makita sa mga mata ng kaniyang kasintahan ang pagmamahal at pag-aalaga na pinapakita nito sa kaniya. Inagaw na itong lahat ni Althea. Kung saan ay itinuturing pa siya ng nobyo na parang mamahaling kristal na hindi dapat mabasag.
She gave her the satisfaction that she wanted. She broke up with her boyfriend. Ang nakakainis lang, parang wala lang ito sa kaniyang nobyo. Parang inaasahan na rin nito na ganito ang mangyayari sa kanila.
Sa galit niya at idagdag pa ang sugatan niyang puso dahil sa kaniyang nasaksihan. Linisan niya ang tagpong iyon at nangako na gaganti siya sa mga taong iyon na nanakit sa damdamin niya.
Hindi niya ito ipinaalam sa kaniyang mga magulang dahil umiisip na siya ng paraan kung paano siya makakaganti sa taksil niyang kasintahan.
Hindi naman niya alam kung paano, kaya umiyak na lang siya nang umiyak. Wala siyang maisip. Hindi siya makapag-isip ng tama dahil nasasaktan pa rin siya.
Muntik pa nga siyang masagasaan sa kalsada dahil sa pagiging lutang niya habang naglalakad pauwi galing sa eskwela.
Humingi ng paumanhin ang taong muntik ng makasagasa sa kaniya at nag-offer na dalhin siya sa ospital.
Subalit imbes na umoo siya dahil masakit ang nagasgasan niyang tuhod, iba ang hiniling niya sa lalaki.
“Pakasalan mo ako. Paliligayahin kita, promise. Pakasalan mo lang ako.” Wala sa sariling alok niya rito.
“Okay, I will marry you.” Walang ligoy naman na sagot ng lalaki na akala niya ay sinasakyan ang trip niya.
Ang hindi niya alam, seseryosohin pala nito ang alok niya!
"I will marry you tomorrow. Is that okay with you?"
Napanganga na lang si Kristine sa sinabi ng lalaki. Hindi niya alam na agad-agad na pala iyon. Mas lalo siyang napanganga nang mabistahan ang mukha nito.
He looked familiar. Parang nakita na niya ito. Hindi niya lang maalala kung saan, basta ang alam niya ay nagkita na sila.