SIMULA

2193 Words
"s**t! He is coming!" she merrily said while struggling to get out of the elevator. Nagmamadali siya sa paglabas sa elevator ng mall dahil nasa entrance na ng mall ang kaniyang nobyo. Halos makipagsiksikan pa nga siya sa mga tao makalabas lang siya agad ng elevator. Akala niya ay hindi na ito makakarating sa tamang oras kaya naman nagpasya muna siyang tumambay sa second floor. May usapan kasi sila na magkikita sila sa mall para sila ay makapag-date naman at kumain pagkatapos nilang libutin ito. Pero heto at kakatanggap lang niya ng text na naroon na nga raw ito sa labas kaya naman hindi na siya makandatuto sa paglakad sa sobrang excitement na kaniyang nadarama. She was so excited to see him. Once a week na lang kasi silang magkita ng kaniyang nobyo dahil abala na ito sa trabaho. Samantalang siya naman ay abala sa kaniyang pag-aaral. Nag-aaral siyang mabuti dahil gusto niyang grumadweyt na may maipagmamalaking medalya sa kaniyang mga magulang. Para naman sulit ang pagod nila sa pagpapaaral sa kaniya sa maganda at eksklusibong eskwelahan. Ang Hellios Nalupa University kung saan siya nag-aaral ay pag-aari ito ng mga Nalupa, mga uncle ni Malik ang nagpapatakbo nito at balita niya ay pareho pang single ang mga ito dahil busy sa pagpapalago ng kayamanan. She heard that one of his uncles is a surgeon, Hero Clemetin Lopez yata ang pangalan nito. Then the other one is a multi-billionaire businessman whose name is Storm Angelo Nalupa. Swerte ang mga babaeng makakabihag sa puso ng mga uncle ng nobyo niya dahil hihiga na ang mga ito sa pera idagdag pa na most sought after bachelor's ang mga ito. Meaning, magagandang mga lalaki ang mga ito. Sa madaling salita ay pantasya pa ng bayan. Ngunit ni isa man sa mga ito ay hindi pa niya na-meet kaya wala siyang ideya sa mga itsura ng mga ito. Siguro kasing-gwapo ng kaniyang nobyo na hanggang ngayon ay kinababaliwan pa rin niya. Hindi naman magpapahuli si Malik kung yaman lang ang pag-uusapan. Hindi man kasing-yaman ng mga uncle niyang bilyonaryo, milyonaryo namang maituturing ang mga magulang nito. Tsaka hindi siya after sa yaman, mayaman din naman ang pamilyang kaniyang pinagmulan kaya hindi pera ang usapan dito para mabihag ang puso niya. “Miss! Wait, nahulog mo ang panyo mo!” Sigaw ng isang tinig mula sa loob ng elevator na hindi na niya inabalang tingnan dahil baka hindi naman siya ang tinatawag. Narinig pa niyang kinilig ang mga babaeng kasabayan niya sa paglalakad dahil siguro magandang lalaki ang sumisigaw. Isa pa, nakasuksok ng maigi ang kaniyang panyo sa likod ng suot niyang jeans kaya malamang hindi siya ang tinatawag nito. “Miss, wait!” Narinig pa niyang muli ang sigaw ng lalaki ngunit gaya kanina ay hindi na lang siya nag-abala na tingnan ito. Baka hindi siya, baka iba ang tinatawag nito. Sa wakas ay nagawa niyang makarating sa entrance ng mall. Lakad-takbo ang ginawa niya huwag lang maghintay ang kaniyang nobyo. Pawisan na siya at wala pa sa ayos ang kaniyang buhok. Agad naman niyang inayos ang kaniyang sarili at malapad ang ngiti na humakbang siya palapit sa nakatalikod niyang nobyo. Balak na sana niya itong kalabitin nang mapansin niyang may kausap ito at hindi man lang namamalayan ang kaniyang presensya. “Babe, I’m here.” Hindi na nakatiis na sabi niya nang lumipas na ang sampung segundo ay hindi pa rin siya napapansin nito. Agad naman itong lumingon at gulat na tumingin sa gawi niya. Sinalubong naman niya ito ng matamis na ngiti ngunit napawi ang ngiting iyon nang makita niya kung sino ang kausap nito. “A-Althea? What are you doing here? Akala ko ba ay masama ang pakiramdam mo kaya ayaw mo akong samahan dito sa mall? Bakit narito ka at magkasama pa kayo ng boyfriend ko?” Magkakasunod na tanong niya. Halatang badtrip ang tono niya at hindi na niya naitago ang iritasyon sa kaniyang tono. Magsasabi na hindi siya sasamahan dahil masama ang pakiramdam pero heto at masayang kausap ang kaniyang boyfriend. “S-Sumunod ako sa iyo. Hindi mo ba natanggap ang message ko? Alam ko kasing magtatampo ka sa akin kaya sumunod ako kahit masama ang pakiramdam ko. Tsaka hindi kami magkasama ni Malik, nagkataon lang na nagkita kami rito at napagkwentuhan ka nga namin.” Paliwanag ng kaniyang matalik na kaibigan sa tonong nauutal dahilan para siya ay usugin ng kaniyang konsensya. Hindi ito sanay na napagtataasan niya ng tono, may phobia kasi ito noong bata pa ito dahil sa pagmamalupit ng kanyang mga magulang. Wala naman siyang nais ipakahulugan tungkol sa paninita niya. May tiwala siya kay Malik at alam naman niya na hindi siya tatraydurin ng kaniyang kaibigan lalo na at kabisado na nila ang likaw ng bituka ng bawat isa. Nakakasama lang kasi ng loob ang nadatnan niya tapos, parang hindi excited ang nobyo niya na makita siya. Hindi niya makita sa mukha nito ang saya. “She is right, babe. I was about to fetch you on the second floor where you are when I saw her coming. Nagkamustuhan lang kami at sabay na sanang aakyat sa second floor para puntahan ka nang dumating ka naman.” Sabat naman ng kaniyang nobyo sa masayang tinig kaya napawi ang pagdududa niya. He even kissed him on her cheeks tapos may dala pa itong bulaklak sa kaniya. “For you, I hope you like it.” “Thank you. I love it so much.” Napanatag ang kaniyang kalooban sa kaniyang narinig at regalo nito ngunit hindi pa rin niya mapigilan ang kaniyang sarili na mag-isip. Uso kasi ang sulutan ng boyfriend sa panahon ngayon. Kahit gaano pa kalaki ang tiwala mo sa isang tao kung may haliparot naman na umaaligid ay hindi mo talaga maiiwasan na hindi mag-isip ng masama. Lalo na at parang close na close sina Malik at Althea sa isa’t isa na akala mo ay matagal ng nag-uusap ng ganito. Paano, wala siyang maalala na insidente na napagsolo sa pag-uusap ang dalawa. Laging nag-e-excuse si Althea kapag naroon na ang boyfriend niya sa kanilang bahay. As if she was giving them space to talk. Oh, baka nagkataon lang na napasarap ang usapan nila kaya parang naging close sila bigla. She is the topic daw, kaya siguro nag-enjoy sa pag-uusap ang dalawa. “Hindi mo ba natanggap ang text ko? Sabi ko ay pababa na ako at dito na tayo sa baba magkita. Mas maraming kainan dito kaysa roon sa itaas.” “Hindi ko na nabasa, babe. Pasensiya na, na-lowbat bigla ang cellphone ko.” “Okay lang. Tara na sa paborito nating kainan kung ganoon.” Malambing siyang kumapit sa braso ng kaniyang nobyo at nakalimutan na kasama pala nila ang matalik niyang kaibigan kung hindi lang ito pinaalala sa kaniya ng kaniyang nobyo. “Paano si Althea, babe? Hindi ba natin isasama?” tanong nito dahilan para matigilan siya. Nilingon niya si Althea na nakatingin at nakangiti sa boyfriend niya na agad naman lumingon sa kaniya ng tumikhim siya. Alam niyang gwapo si Malik, marami ang natutulala sa kaniyang nobyo kapag nakikita nila ito. Hindi lang niya inaasahan na matutulala rin dito ang kaniyang matalik na kaibigan as if she was not there. It is normal to have a crush to Malik pero sana naman ay ilugar niya ang pagpapa-cute rito. Advance na kung advance siya mag-isip pero kasi iyon ang nakikita niya sa babae. “Isasama natin siyempre. Alangan naman iwan natin,” medyo nag-aalangan na sabi niya. Parang hindi siya naging komportable sa inasal ng kaniyang kaibigan. Ayaw niyang mag-overthink pero hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili na mag-isip ng masama sa babae. “Huwag na. Ayaw kong maging chaperone ni Kristine. Hindi kayo makakapag-bonding ng maayos kung kasama ninyo ako. Maglilibot na lang ako, hihintayin ko na lang na matapos ang date ninyo ni Kristine.” Wika ni Althea na parang naramdaman yata na bad mood siya. Ayaw niyang maging ganoon ang pakiramdam niya ngunit hindi niya talaga mapigilan ang kaniyang sarili na mag-isip. Kaliwa’t kanan na kasi ngayon ang third party. Hindi malabong mangyari iyon lalo na at nakita niya kung paano hangaan ng kaniyang kaibigan ang kaniyang nobyo. “Ikaw ang bahala. Kung sa akin lang naman ay ayos lang.” Nagkibit-balikat siya para ipakitang ayos lang ito sa kaniya. Umiling ang kaniyang kaibigan ng mariin at nakangiti na nagsalita. “Hindi kayo makakapag-usap ng maayos kung kasama ninyo ako. Ayaw ko rin mainggit kapag naglalambingan kayo, kaya huwag na ninyo akong isipin. Sige na, enjoy your date. Maglilibot na muna ako sa taas.” Tawa nito dahilan para makonsensiya na naman siya. Mabuti ang hangarin ng kaniyang kaibigan. Binibigyan lamang niya ito ng malisya dahil sa kaniyang nadatnan at ang pagpapa-cute nito. Nawala sa isip niya ang pagdududa nang masayang ayain siya ng kaniyang nobyo na manood muna ng sine bago sila kumain. Halos isang oras din sila sa loob ng sinehan bago sila nagpasya na lumabas na. Ilang beses pa nga siyang tinangka na halikan ng kaniyang nobyo sa labi ngunit ilang beses din siyang umiwas. Mabuti na lang hindi ito na-badtrip sa kaniya, naiintindihan nito na hindi pa siya handa. Kaka-eighteen lang kasi niya nang nakaraan. Kahit ganap na siyang dalaga at malapit ng ma-engage sa lalaki, hindi pa siya handa sa mga ganitong intimate moment. Mabuti na lang at marunong maghintay ang kaniyang nobyo kahit minsan ay nakikita niyang naba-badtrip na ito sa kaniya dahil ayaw niya itong pagbigyan. She just wants to preserve herself. Mas maigi na birhen siya na ikasal sa lalaki. Pumunta agad sila ni Malik sa paborito nilang restaurant pagkagaling nila sa sinehan. Papasok na sana sila sa pinto ng restaurant nang bumangga sila sa isang tao na hindi naman inaasahan ng kaniyang nobyo na makikita sa loob ng mall. “Uncle Storm!” Masayang bulalas nito at agad na nakipag-fist bump sa lalaki. Habang siya naman ay litong palipat-lipat ang tingin niya sa mga ito. “Mark Allek, ikaw pala? What a coincidence?” Tugon naman ng lalaki na agad lumipat ang tingin sa kaniya nang mapansin siya nito at agad na pinasadahan ng tingin ang kaniyang kabuuan. “Yes, uncle. What a coincidence?! Oh, by the way. Meet my girlfriend and soon-to-be my beautiful future wife, Kristine Anne Alao.” “Hi, Kristine.” Bati ng lalaki at simpatikong ngumiti sa kaniya. Muntik na niyang mahigit ang kaniyang paghinga dahil sa ginawa ng lalaki, mabuti na lang at agad siyang nakabawi at gumanti ng pagbati. “H-Hello, po.” Alanganin siyang napangiti sa lalaki. Hindi niya inaasahan na higit pa sa akala niya ang taglay nitong gandang lalaki. Napakagandang lalaki nga ng uncle ni Malik. He is like a God. A Greek God who stepped out on Mt. Olympus. Napakaperpekto ng lalaki, hindi niya mahanap kung ano ang mali sa kaniya. Nakakasakit pa ng leeg ang taglay nitong tangkad. Bigla siyang bumansot, maging si Malik ay hanggang balikat lang din nito. Tama siya sa hula niya, napakaswerte ng babaeng makakasungkit sa lalaking ito. Pakiramdam nga niya ay lumuwag ang garter ng kaniyang panty nang ngumiti ito at inilahad ang kanang kamay sa kaniya. “Nice meeting you, Kristine. You are very beautiful, parang hindi kayo bagay nitong pamangkin ko.” Pabirong sabi nito dahilan para tumawa ang kaniyang nobyo at siya naman ay namula na parang kamatis dahil sa direktang papuri nito. “Anong hindi bagay, uncle? Bagay na bagay kaya kami,” biglang hinigit siya ng kaniyang nobyo palapit sa kaniya dahilan para mabitiwan ng lalaki ang kamay niya na hindi pa pala nito nabibitiwan. “Just kidding. Hindi ka na mabiro.” “Saan ang lakad mo, uncle? May ka-date ka rin dito sa mall?” Pag-iiba nito ng usapan at parang naasiwa bigla ito sa presensiya ng lalaki. “Wala. May dinaanan lang ako sa opisina ni Steven sa taas. Oh, by the way. Sa iyo ito ‘di ba?” Baling ng lalaki sa kaniya at inabot sa kaniya ang isang panyo na kilalang-kilala niya. Nanlaki naman ang kaniyang mga mata at kinapa ang likod ng kaniyang jeans. Ibig sabihin, siya ang lalaking tumatawag sa kaniya kanina habang palabas siya ng elevator? “You dropped this while you were leaving the elevator. Hahabulin pa sana kita para ibigay ito pero kailangan ko ng puntahan ang kaibigan ko.” Tinanggap niya ang panyo at nagpasalamat dito. Tapos saka sila tumuloy patungo sa loob ng restaurant kasama ang uncle nito para ipagpatuloy ang naudlot nilang usapan. They talked about business. Siya naman ay nakikinig lang dahil seryoso sa usapan ang dalawa. Pansin lang niya na madalas siyang tapunan ng tingin ng uncle ni Malik. Palihim ngunit ilang beses naman niyang nahuhuli ito. Hindi niya alam kung napapansin ito ng kaniyang nobyo o hindi. Hindi siguro dahil engrossed na engrossed ito sa pakikipag-usap sa lalaki. Dumating ang order nila kaya natigil sa usapan ang dalawa. Kumain sila ng tahimik habang siya ay hindi komportable sa tingin na pinupukol ng lalaki sa kaniya. Hindi niya alam kung nagagandahan ba ito sa kaniya o sinisipat lang ang kara niya kung bagay siya sa pamangkin niya, basta hindi siya komportable.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD