“Kumusta kayo dito? Hindi ninyo man lamang naisipan na magtungo sa bahay.” Wika ng kanyang Ate Marikit na noon ay nakaupo na sa sofa at ang Tito Conran ni Miguel. Ang dalawang kambal naman ay nagpaalam na magtutungo sa labas para maglaro. Ang kanilang anak naman at ang anak na babae nina ate Marikit niya ay nagkasundo na maglaro ng mga dolls ng kanyang anak. “Oo nga naman ano bang nangyari sa inyo? Kami na ang dumalaw sa inyo dahil magpapaalam kami. Babalik na kami ng Manila at doon na kami maninirahan dahil nahihirapan na rin ako ng paroon at parito. Tsaka tatlo na ang mag-aaral namin kaya kailangan na ng mas malapit na paaralan at katuwang ng iyong tita. Ayaw naman naming iasa sa mga yaya nila mabuti pa rin iyon matutukan namin ng mga bata kahit na pumapasok na sila sa eskwela . Pu

