"Wow mukhang masarap ang pagkakaluto mo ng carbonara ha. Napaka-creamy at talagang hindi tinipid sa sahog." bulalas ng kanyang ating Marikit ng makita ang carbonara inilagay niya sa malaking tupperware. "Talagang favorite mo rin ang creamy na pagkakaluto na carbonara. Buti na lang talaga nagluto ako kanina ate. Kung alam ko lang nga na magtutungo kayo dito nagluto pa sana ako ng ibang putahe." masayang wika niya dito. Habang hinihiwa-hiwa naman niya ang niluto niyang maja, favorite kasi ito ng kanyang anak na si Migumi kaya nagluto din siya. Kahit na isang salang lamang iyon gustong gusto kasing papakin iyon ang kanyang anak. "Aba, pati ang maja blanca mo talagang creamy din ang pagkakaluto ha. Napakarami pang cheese, sana matuto din akong magluto ng ganito. Alam mo kasi hindi rin ak

