“Asawa ko, okey na kami ni Ate Marikit.” nakangiting wika niya sa kanyang asawang si Miguel. Nasa kanilang silid na silang dalawa at kakatapos lang ng isang mainit na sandali. “Wow, talaga wifey ko? Mas okey iyon para gumaan na ang loob mo.” masayang wika nito sa kanya. “Oo, nag-usap kami kanina.” tugon niya dito. “Mabuti naman kung gano’n wifey ko. Tsaka wala ka ng dapat ipag-alala dahil aalis na sila bukas. Sa Manila na sila maninirahan, malalayo na sila sa atin.” muling wika ng kanyang asawa. “Iyon nga ang problema eh, parang nahihiya tuloy ako kay Ate Marikit at Tito Conran. Masyado bang naging makitid ang pag-iisip ko?” nahihiyang tanong niya sa asawa tsaka kumalas sa pagkakayakap nito. Nakayakap kasi ito sa kanya at ganon din siya habang naka-unan sa bisig nito. “Ano k

