Ilang sandali pa at minamaniobra na ni Conran ang kanyang kotse pabalik sa opisina pero para bang ayaw niya ang iwanan si Marikit dahil sa naging pasya nito. Parang gusto na naman niyang sumabog, alam naman na nito na hindi na ito maaaring makipaglaro pa kung kani-kaninong lalaki ay pinagbigyan pa nito ang kanyang pamangkin. Sabagay wala naman siyang karapatan na magbawal dito lalo at hindi pa naman niya kinaklaro iyong tungkol sa kanila. Tsaka wala naman sigurong malisya iyon dito, tanging laro lamang ang gagawin ng dalawa. Pero iba pa rin kasi syempre kahit na pamangkin niya iyon ay lalaki pa rin si Miguel. At saka hindi pa nga niya masabi sabi sa mga ito kung ano talaga niya si Marikit. Papaano na lamang kung magkagusto ang kanyang pamangkin kay Marikit. Hindi kasi iyon imposibl