Kanina pa hilong talilong si Conran sa kanyang opisina dahil binabantayan na niya ang f*******: page ni Marikit pero wala pa ring nagla-live doon. Kanina pa siya nakaantabay, mahigit isang oras na nga yata pero wala pa rin, kaya naman nag-aalala na siya ng sobra. Syempre magkasama ang dalawa sa bahay, walang kasama ang mga ito. Dapat nagla-live na si Marikit kanina pa eh, pero hindi niya alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin. Nakailang panood na nga siya ng mga video ng babae, masasabi niyang napakagaling pala talaga nitong gamer. Hindi basta-basta kaya hindi nakakapagtaka kung umani ito ng mga papuri at tumambak ang followers nito. Sa mga comments, mapi-feel mo talaga na napaka-importanteng tao pala ni Marikit sa mga nagmamahal ditong fans. Napasako siya doon sa isang vid