Panay ang tingin sa relong pambisig ni Conran dahil pasado alas sais na ay hindi pa rin tapos ang meeting nila. Gusto na niyang tapusin iyon at liparin ang kanilang bahay pero marami pa kasing pinag-uusapan ang buong team. Lalo na at tatlong tangke nang gasolina ang hindi niya mahanap-hanap kung nasaan ang record ng deliver. Hindi niya alam kung saan ang pagkakamali niyon pero malulutas din niya ang problemang iyon. Nangyari na iyon sa kanila dati at tiyak na may mapaparusahan na naman siya. At ng sa tingin niya ay maaari na niyang tapusin ang meeting. Pagka-dismiss niya sa mga tauhan na involved ay agad-agad siyang nag-asikaso, mabilis siyang lumabas ng opisina at tinungo agad niya ang parking lot. Halos paliparin na niya ang kanyang kotse pauwi sa kanilang bahay. Paano ba naman tum