Mahigit isang oras din ang biyahe nila patungo sa pwesto ng sikat na paresan na iyon traffic kasi masyado 'pag patungo doon kaya inabot sila ng ganoong oras. Pero pagdating nila ay nag-park na sila ng sasakyan pero sinigurado muna na secure ni Conran ang sasakyan nito bago sila pumila, sobrang haba ng pila. Nag-aalala tuloy siya na baka mainip si Conran at mabadtrip ito tapos ayain na siyang umuwi or pumunta na lamang sa ibang lugar pero doon kasi niya gustong kumain. Ang gusto niya maranasan na makakain doon lalo pa at trending na trending ang paresan na iyon. Naalala tuloy niya nong kinasal sila. Inabutan sila ng umaga sa daan ng ikasal sila ng madaling araw. Pares at guto ang kanilang handa sa kasalanan kaya sobrang sama ng loob niya ng time na yun kaya naiiyak pa nga siya noon