Halos mapugto ang hininga nilang dalawa ng tumigil sa paghalik si Conran kay Marikit. Para bang wala na siyang pakialam kahit na nasa public place sila basta bigla na lamang sumigid iyong kagustuhan na maangkin niya ang labi ni Marikit. Sa totoo lang hindi niya inaasahan na gagawin iyon sa kanya ng babae, yung bigla na lamang siyang halikan nito sa pagbigay niya ng flowers. Hindi lang niya alam kung dahil sa bugso ng damdamin ito o sa sobrang kasiyahan dahil sa binigyan niya ito ng flowers para sa peace offering niya. O talagang sinadya nito na halikan siya pero sobrang sobra siyang nadala sa ginawa nito. Para bang iyong pagbilis ng t***k ng kanyang puso ay hindi na niya maintindihan kung papaano niya papakalmahin. At ng maglapat nga ang labing nito sa labi niya ay tila ayaw na ni