“Teka sigurado ka ba sa sinasabi mo kausap ko kanina na si Mimi siya si Peanut kaya bakit naman ngayon sinasabi mo na ikaw, ano ba talaga? Alam mo Mayumi naguguluhan ako sayo. Pwede mo naman sa akin sabihin kung hindi ka pa ready naiintindihan ko naman. At kung ayaw mo rin na makipaglakpit ako kay Peanut, okay lang din naman iyon kasi naintindihan ko naman tsaka obligasyon kong sundin ang mga nais mo. At syempre iwasan ang lahat ng ayaw mo para hindi ka masaktan.” wika ni Miguel sa kanya. Napailing na lamang siya dahil mukhang hindi ito naniniwala sa kanyang sinasabi mukhang mas naniwala ito kay Mimi. Sabagay gusto nga pala siyang siraan ni Mimi dito, kaya siguradong gagawin nito ang lahat para magalit sa kanya si Miguel at masira silang dalawa. “Naniwala ka naman doon ikaw talaga

