Halos maluha-luha Si Miguel dahil sa narinig na iyon na tinuran ni Mayumi. Nagkakamali ito kung inaakaala nito na ikakagalit niya ang bagay na iyon. Isang karangalan na malaman na wala palang iniibig na iba si Mayumi kundi siya pala. Para pa siyang timang na sobrang selos na selos sa lalaking nakakalaro nito, sa lalaking inaakala niya na minamahal nito. Tapos ngayon malalaman niya na siya pala ang lalaking iniibig nito. Halos ikabaliw niya kapag naiisip na kalaro ni Mayumi ang lalaking iyon. Lalo na kapag naaalala niya na ginawa nito ang lahat para mapaligaya ang lalaki. Umabot pa sa punto na pinag-aralan nito kung paano ito mapaligaya sa kama. Pakiramdam niya ng mga sandaling iyon ay nais niyang magtatalon sa tuwa, para bang naka-jackpot siya. Animo nanalo siya sa lotto ng

