Agad na niyakap ni Mayumi ang kanyang mahal na asawa. Nasisiyahan ang kanyang puso dahil sa wakas nagawa na niyang aminin ang kanyang nararamdaman sa lalaki. Nakakatuwa pa ay gano'n din pala ang nararamdaman nito sa kanya. Mahal din pala siya nito, hindi man niya tiyak pero nababanaag naman niya sa mga mata nito na totoo ang sinasabi nito. Kaya kahit na ganon ay talaga umaapaw ang kanyang puso sa kaligayahan. Akalain ba niya na inlove sa kanya ang lalaking matagal na niyang pinapangarap. Samantalang para sa kanyang sarili ay isang himala ang nangyaring iyon sa kanila. Para sa kanya kasi okay na iyon na, masaya na siya kahit siya lamang ang nagmamahal dito. Okay na yung siya lang yung nakakaramdam at kahit na hindi nito matugunan ang nararamdaman niyang iyon. Para sa kanya kahi

