Hindi makapaniwala si Mayumi ng marinig ang sinabi ng kanyang nanay kay Miguel. Tamang-tama kasi na bubuksan na sana niya ang pinto ng kanilang silid dahil naulinigan nga niya ang boses nito. Parang itinulos siya sa kanyang kinatatayuan, at nanatili lang na hawak ang siradura ng pinto. Naiinis kasi siya ng sobra kay Miguel kanina dahil hindi nito sinusunod ang nais niya, pero iyon pala ay may dahilan kung bakit parang nga naman siyang wala sa tamang hulog. Kakain na lamang sila ng lunch ay nais pa niya na magtungo si Miguel sa bayan para bumili lamang ng alamang. Tsaka kanina halos maglaway siya ng makita niya kung gaano kalutong ang balat ng piniritong karne baboy ng kanyang asawa. Pero pagbalik niya matapos niyang manginain ng mga bubot na bunga ng mangga sa likod ng bahay ay nawa

