Matapos ang ilang buwan. "Kailangan ko magtungo sa farm wifey ko, sigurado ka ba na okey ka lang dito? Wala ka pa namang kasama." nag-aalalang tanong ni Miguel sa kanyang asawa na si Mayumi. Kaybilis ng panahon, kabuwanan na agad nila at ilang linggo na lang ay masisilayan na nila ang oangalawa nilang anak. Nagpapaalam siya dito, dahil may kaunti kasing problema sa flower farm at kailangan siya doon. Hindi na sana niya iniiwan ang kanyang asawa lalo pa at kabuwanan na nga nito. Pero kailangan kasi siya doon. Ang kanila namang anak na si Migumi at ang yaya nito ay nasa nasa bayan sa grocery ng kanyang asawa. Isinama doon ni Mariposa dahil namimiss na daw ng kambal ang pamangkin ng mga ito. Hinayaan na lamang niya dahil halos isang linggo na kasing hindi nagtutungo doon ang kanyang an

