Kagaya nga ng napagplanuhan, kinabukasan bumalik na sila ng Manila kasama ang buong pamilya. Naiwan lamang ang kanilang lola. Kasabay na rin nilang bumiyahe ang kanyang mga magulang. Sa kanila ang mga ito tumuloy para maihatid din sila sa airport kinabukasan. Ayaw kasing pumayag ng kaniyang Mama na hindi sila maihatid. Dapat daw kasi maramdaman ni Conran na karamay nito ang kanyang mga magulang. Silang tatlo lamang ang bibihayahe kinabukasan. Siya, si Condran at ang Mama nito ang magtutungo sa Amerika. Sabi pa nga ng kanyang Mama, kung pwede nga lang daw sana ay sasama ito para may magluluto para sa kanila. Sigurado daw na mawawalan na ng oras sa pagluluto ang balae nito. Pero syempre hindi pumayag ang kanyang Papa dahil hindi daw ito sanay na wala ang kanyang Mama sa tabi nito.

