Mabilis na lumapit silang dalawa ng Mama ni Conran sa doktor at agad na tinanong nito ang tungkol sa kanyang asawa. Sobra sobra kasi yung kaba nilang dalawa dahil sa awra ng mukha ng doktor. Hindi ba at kapag ligtas sana ang pasyente dapat masaya ito pero bakit malungkot. Parang gusto tuloy niyang manggigil sa doktor dahil inuna pa nitong alisin ang face mask, alisin ang salamin nito at punasan iyon bago magsalita. Talaga yatang sinasadya nito na pakabahin sila ng kanyang mama. Para tuloy nais na niyang pumasok sa loob para tingnan ang kanyang asawa kung okay lang ba ito o hindi. Pero nagsalita na ang doktor sinagot nito ang tanong ng kanyang mama. At parang gusto niyang maglupasay sa sahig saiyak dahil sinabi ng Doktor na tagumpay ang operasyon. Ipinaliwanag lamang nito kung bak

