Pero bigla din itong bumitaw sa pagkakayakap sa kanya, mukhang napagtanto na nito ang pagkakamaling nagawa. Bahagya pang nanlalaki ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. "Ay, s-sorry! Nawala lang ako sa sarili ko! Sorry hindi ko talaga sinasadya eh. N-Nadala lang ako sa emosyon ko. K-Kasi naman alam mo bang sobrang napakahalaga sa akin nito na m-makapag-live ulit ako at makapaglaro at saka m-makapagtiktok na rin kung may time." nakangiting paliwanag nito sa kanya. Mababakas sa mukha nito ang kasiyahan pero medyo nahihiya din. Pero kahit na siya ramdam na ramdam talaga niya ang kasiyahan nito. "Pagla-live lang at pagi-games tsaka pagtitiktok napakahalaga na sa'yo? Sabagay kapag na-adik na talaga sa ganyang gawain ay diyan na lamang umiikot ang buhay ninyo. Sige lang, support na