Sa natuklasan niyang iyon nakapag-desisyon siya na kilalanin na lamang ng husto si Marikit. Hindi na siya makikinig sa kung anumang sasabihin ng ibang tao lalo na kay Emma. Bakit yata lumalabas na parang lahat ng sinabi ni Emma ay kabaliktaran ng ugali ni Marikit. At ang lahat ng sinabi ni Emma ay parang patungkol ito sa sarili nito. Hindi kaya nagsinungaling sa kanya si Emma dahil ayaw nito na humahanga siya s akagandahan ng pamangkin nito? Pero syempre ayaw na niyang mag-judge ng hindi niya nalalaman at hindi niya natutuklasan kaya ngayon nag-decide siya na kilalanin na lamang ng mabuti si Marikit. Hindi yung palagi na lamang niya itong pinapahirapan dahil sa mali naman na pagkakakilala niya dito. Hindi man na ni maamin sa kanyang sarili at hindi man niya masabi dito pero parang na