Kinabukasan Maagang nagising si Conran para maghanda ng almusal, hindi na niya inabalaba na gisingin si Marikit. Balak niya itong gisingin kapag kakain na sila. Minabuti niya na isangag na lamang yung kanin na natira nila kagabi. Para sa kanya kasi ang almusal, pinakamasarap iyon na sinangag hindi siya sanay na tinapay lang or o normal na kanin lang o kahit mga pasta. Talagang sinangag, sunny side up egg, hotdog or tuyo or tinapa. Iyan ang gustong gusto niyang ulam lalo na kung may tapang baka. At syempre with black coffee, hinding hindi mawawala iyon sa almusal niya. Habang nagluluto, para bang inip na inip siya. Parang nais na agad niyang makita si Marikit. Ewan na ba niya kung bakit ganito na ang kanyang nararamdaman, para bang mas masayang pagsilbihan ang babae. Ayaw niya