Pagkagising ni Marikit ay nag almusal na silang dalawa. Syempre ipinaghain muna niya ito at pinagtimpla ng kape kahit na ayaw nito. Gusto kasi niya na pagsilbihan ang kanyang prinsesa at nais niyang tuparin ang pangako niya sa mga magulang nito na simula sa araw na iyon ay ita-trato na niya ito bilang prinsesa katulad ng trato ng tatay nito dito. "Ano kayang nakain mo bakit naging extra sweet ka ngayon? Mukhang good mood ka lagi ah okay ba kayo ni Tita Emma?" nakangiting tanong nito sa kanya. Hindi niya nagustuhan ang tanong nito kaya sumimangot siya ng bahagya. Pero ito ay parang normal lamang dito yung tanong 'tsaka humigop na ito ng kape. "Woii, bakit hindi ka na nagsalita diyan tinatanong po kita kung okay na kayo ni Tita Emma." tanong ulit nito sa kanya. Hindi niya nagugustuh