Biglang natuliro si Miguel dahil sa nais ng nanay ni Mayumi na habang hindi pa sila ikinakasal ay hindi muna ito makakasama at mananatili ito sa bahay ng mga magulang nito. Wala iyon sa plano eh hindi niya alam kung kakayanin pa niyang mawalay sa kanya si Mayumi pagkatapos ng mga nangyari sa kanila kanina. Para bang pakiramdam niya ay hindi na niya kayang malayo pa ito sa kanya. Katunayan ngayon habang nag-uusap sila ng mga magulang nito ay parang nais na niyang madaliin ang pag-uusap na iyon para makauwi na agad sila ni Mayumi dahil para bang nais na naman niyang makatabi ito. At molina na namang angkinin ang babae. Lalo na ngayon at napakalapit nito sa kanya na kahit na alam niya na kailangan niyang pakiharapan ng maayos ang magulang nito. At dahil nga iyon sa problemang hatid n

