“Pinag-usapan na natin iyan kanina hindi ba? Na kahit anong mangyari hindi tayo papayag na maikasal ang ating anak dahil napakabata pa niya marami pa tayong pangarap sa kanya at sa mga kapatid niya. Once na maikasal siya hindi na natin iyon matutupad pa at alam mong hindi natin kakayaning mag-asawa iyon. Kailangang kailangan natin ang anak nating panganay.” Muling wika ng kanyang inay. “Aba Nenita hindi ganyan ang pag-iisip mo dapat isipin mo na babae ang sa inyo, sa tingin mo kapag nabuntis iyang anak mo sino ang lugi. Pasensya na hindi na ako nakatiis na sumabat dahil may anak din akong babae. Hindi dapat ganyan ang pag-iisip mo, kahit pa bata pa iyang anak mo at kailangan mo siya ay nangyari na ang nangyari kaya dapat mag-isip ka kung anong makakabuti sa kanya o hindi.” Sabat ng may-a

