Panay ang tingin ni Miguel sa gate ng plaza hinihintay niya ang pagpasok ni Mayumi mula doon, nais niyang tanungin ito kung ano ang napag-usapan nito at ni peanut. Nag-aalala kasi siya na baka may masabi ang babae dito na taliwas naman sa totoong nangyari. Baka magsinungaling ito sa kanyang asawa na may kung anong namamagitan sa kanilang dalawa. Oo masaya siya dahil kahit napapaano ay nakilala na niya kung sino talaga si Peanut at ang nakakatuwa pa ay naglaan ito ng panahon na makarating sa kanyang kasal. Nagulat din siya ng matuklasan na kaibigan pala ito ni Mayumi at hindi lang bilang kaibigan kundi bestfriend pa pala ito ng kanyang asawa. Pero may nahalata lamang siya kanina kay Mayumi para bang hindi ito natutuwa na nakita na niya si peanut at maging ang mga tingin nito sa be

