“M-Miguel? Sino yang kausap mo?” Hindi nakatiis na tanong niya sa lalaki bahagya pa itong nagulat dahil sa nasa likuran niya siya nito. Ngunit mas napaawang ang kanyang labi ng masilayan niya ang babaeng kausap nito. “M-Mimi?!” Gulat na bigkas niya sa pangalan ng babaeng kausap nito, pero mahina lang ang boses niya. Si Mimi ay ang kanyang best friend na nakakaalam ng tungkol sa sikreto niya tungkol Kay Miguel at kung papaano siya nakalapit dito gamit ang kanyang account na si Peanut. Halos hindi siya makapaniwalang nakatingin lamang dito at nagtatanong ang kanyang mga mata habang nakatuon dito. Pero para bang patay malisya lamang iyon sa babae tila ba wala itong balak na ipaliwanag sa kanya kung ano ang nangyayari at kung bakit nagpapakilala itong peanut. Kahit na alam naman nito

