"1.....2.....3......" Bilang nina Conran at Marikit, maging ang lahat ng kanilang mga kamag anak at bisita na dumalo sa gender reveal ng kanyang ipinagbubuntis. Puro kamag-anak nila ang dumalo at sa tabing dagat nila iyon ginanap, after kasi ng party ay magsu-swimming ang lahat. Syempre ang Mama ni Conran ang nag-organize ng party. Ayaw nga niya sana ng ganun dahil hindi naman talaga kasi siya mahilig sa mga party party at gano'n din naman si Conran pero ang mapilit kasi ay ang Mama nito. Dumating din ang kanyang pamilya, syempre kasama ang kanyang Tita Emma. Na ngayon ay talagang nagbago na at palagi na ring inaalala nito ang kanilang pamilya katulad ng ganito na may mga special occasion ay hindi na rin talaga ito nawawala. Lalo na sa birthday ng kanyang lolo at lola. Noong nakar

