Palabas na ng cr si Marikit ng pumasok siya sa kanilang silid. Tila nanghihina ito na nakahawak pa sa tiyan. "Oh, bakit nandito ka nanaman? Kainis naman asawa ko eh, ang baho nga talaga. Kakalabas ko nga lang sa cr oh.. Grabeng kasusuka ko, please lumabas ka muna po nanghihina pa ako eh." mahabang litanya nito, nakapameywangan pa pero tagaktak ang pawis. "Asawa ko, saglit lang. Kelan ang huling regla mo?" tanong niya dito. "Oh eh, pinapalabas lang kita bakit pati regla ko nadamay?" mataray na wika nito, nakataas pa ang kilay. "Basta, natatandaan mo pa ba?" muling tanong niya dito. "Eh, bakit mo nga tinatanong pasaway na lalaki to. Ikaw ang pinapalabas ko kasi nga hindi ko nga kaya iyong amoy mo. Gusto mo bang magpabalik-balik ako sa cr para sumuka lang? Maliligo na nga sana ako

