Shock si Marikit sa galing ng kalaban ni Miguel. Mage user ito, nana to nana ang dalawa. Sabagay aminado naman si Miguel na hindi ito sanay na maging mage pero iba ang galawan ni Peanut. Iyong ka 1v1 nito, maliksing kumilos at talaga mautak din kaya ang siste. Talo si Miguel, nakangiti lang ito pero mukhang problemado natalo ba naman ng isang follower. Siya naman ay tawang-tawa kasi bumalik na talaga dito iyong karma. Iyong ginawa sa kanya ay ginawa din dito. Pero kakaiba si Peanut, kasi ayaw magpakilala. Sa ML lang daw ang access ni Miguel at nagsend pa ito ng request ng affinity for partners. Hindi iyon nagustuhan ni Miguel dahil sabi nito siya lang daw ang nais nitong kalaro. Pero sinabihan niya na dapat na itry nya rin sa iba para naman may makilala din siyang ibang babae. Kaya

