"Tay! Tatay!" Humahangos na tawag ni Mayumi sa kanyang tatay. Pero wala siyang maabutan sa hospital room na sinabi ni Mariposa kung saan nandoon daw ang kanyang tatay. Pagkadating kasi nila ni Miguel sa ospital ay diretso na agad siya sa silid ng inuukopa ng kanyang tatay pero wala ito doon. Samantalang sinabi ni Mariposa kanina sa chat na doon sa room na iyon namamalagi ang kanyang tatay. Tinanong kasi niya kay Mariposa kanina bago sila makarating yung ospital mabuti na kasi yung alam nila ang patutunguhan nila para makita niya kaagad ang kanyang tatay. Ngunit wala ito doon sa kama, maging ang kanyang nanay na sinabi rin ni Mariposa na nagbabantay sa kanilang tatay ay wala din. May mahalagang pinuntahan daw kasi si Mariposa kaya iniwan muna nito saglit ang kanilang mga magul

