“Dahan-dahan po tatay sa paglunok ng pagkain dahil baka mabulunan po kayo." Magalang na wika ni Mayumi sa kanyang ama habang sinusubuan niya ito. “H-Hayaan mo na a-ako kaya ko naman ku…kumain mag-isa, tsaka nandiyan naman ang mga k-kapatid mo hayaan mo ng sila ang magpakain sa akin.” Nauutal na wika sa kanya ng tatay niya. “Tay kaya ko na po ito, hindi po ba sinabi ko sa inyo na babawi po ako sa inyo ni nanay. Lalo na po sayo sobrang dami kong kasalanan sa inyo, muntik na kayong mawala ng hindi ko man lamang nagawa ang mga bagay na ito sa inyo. Kahit noong malakas pa kayo, ang dami kong kasalanan sa inyong dalawa ni Nanay kaya sana hayaan niyo po ako makabawi ngayon. Nangako ako noon sa inyo na tutulong sa pamilya natin pero nauna pa ang mga bagay na dapat hindi ko noon binibigyan ng p

