Mas lalong tila nanuyo ang kanyang laway ng masilayan ang dulo niyon na nakausli sa boxer short ng lalaki. Biglang kung ano-anong pumasok sa kanyang isipan, para siyang timang na tila ba nagpa-flashback ang ilang mga eksenang pinagsaluhan nila ni Conran. Iyong mga panahong parehas nilang gusto ang ginagawa nila kaya naman bigla siyang bumalikwas ng bangon dahil hindi niya nagugustuhan ang kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Si Conran naman ay gulat na gulat na nagising dahil sa pagbangon niya ng biglaan. . Pupungas-pungas pa itong napabalikwas ng bangon na tila akala mo ay may kalaban at sa sobrang gulat yata ay napahaya pa ng suntok na animo may kasuntukan. "Hayyy Marikit, ano ba nanggugulat ka naman eh!" reklamo nito bigla ng marealize na wala naman itong kalaban. "Sira! Pa

