Naalimpungatan si Conran ng maramdaman na tila may mabigat na bagay na nakadagan sa kanyang dibdib. Ramdam niya ang bigat dahil parang hindi na nga siya makahinga kaya naman nagmulat siya ng mga mata. At awtomatiko siyang napangiti ng mga malaman kung ano ang nakadagan na iyon sa kanya. Walang iba kundi ang ang dalawang hita ni Marikit na noon ay nakadagan ang isa sa kanyang hdibdib at ang isa naman ay nakaderitso hanggang sa may balikat niya. Wala na si Iggy Boy sa katabi nito marahil kinuha na ng mama ni Marikit. Parang nais na lamang niyang matawa dahil ganito pala kalikot matulog si Marikit. Akala mo trumpo na paikot-ikot, iyon nga lang medyo hindi okay sa kanya ang ganoong posisyon dahil hindi nakasuot ng pantulog nito si Marikit. Bale iyong suot-suot pa rin nito kahapon na cot

