Pagdating ni Mayumi sa bahay ni Aling Elma ay umiiyak pa rin si Migumi, agad niya itong linapitan pero hindi na iyon masyadong malakas katulad kanina. Kanina kasi halos kaladkarin niya ito palayo sa tindahan. "Mama, si Papa po please huwag mo na po s'yang paalisin. Please po Mama..." Umiiyak na pakiusap ng paslit sa kanya. Niyakap na lamang niya ito at pinunsan ang luha na nagkalat na sa pisngi, pati sipon nito ay naghalos na doon. Kanina kasi halos ayaw nito na iwan ang ama pero minabuti niya na paghiwalayin ang mga ito dahil kailangan niyang makausap si Miguel. Ang balak nga sana niya ay pagsabihan ito na umalis na dahil hindi nila ito kailangan. Ngunit ang nakakainis lang iba ang nasabi niya kesa sa nilalaman ng kanyang isipan. “Pasensya na po Aling Elma, hindi pa rin pala tu

