“Congratulations Mayumi, sa wakas nagbunga na rin ang paghihirap mo at pagsasakripisyo. Proud na proud kami ng Kuya Elmer dahil kahit na hindi naman talaga tayo magkaano-ano hindi lamang namin masabi sa iyo pero itinuring ka na rin talaga naming Anak. Hindi lang iyon nagpapasalamat kami sa iyo dahil kahit hindi mo rin naman kami kaano-ano ay hindi ka naging madamot sa amin. Lalo na sa aking asawa na palaging nangangailangan ng pambili ng gamot. Sobrang napakabuti mo kaya naman pinagpapala ka rin ang nasa itaas.” mahabang pahayag ni Aling Elma sa kanya. “Salamat po Aling Elma, napakabuti ninyo rin naman po kasi sa akin hindi naman po ako makakarating kung nasaan man ako ngayon kung hindi dahil sayo at kay Manong elmer. Kayo pong dalawa ni Manong ang ginawang instrumento ng nasa itaas par

