“Mama wag na po ikaw iyak. Ito po ice cream oh." Wika ng batang paslit na si Migumi, sabay abot ng ice cream kay Mayumi. Kanina pa kasi siya emosyunal habang naririnig niya ang graduation song, para sa kanya kasi ay imposible ng marinig niya iyon at ma-experience na maglakad habang tumutugtog ang musikang iyon paakyat sa stage. Akala talaga niya ay hindi na siya makakapagtapos pa pero awa ng Diyos. Nagpursige siyang makapasok sa ALS (Alternative Learning System), at sa loob ng ilang buwang pag-aaral ay heto at graduation na niya. Kasama niya ang kanyang anak na si Migumi na noon ay mahigit apat na taon pa lamang. Kung maaari lamang sanang hilingin na nasa tabi niya si Miguel ngayong graduation day niya at maging ang kanyang mga magulang ay ginawa na sana niya. Pero kahit kasi liman

