Chapter 33 3rd Person's POV; "Bakit hindi ka sa amin humingi ng tulong?" "Masyado na kayong madaming nagawa sa akin. Akala niyo ba hindi ko alam ang ginagawa niyong pag-alalay sa akin sa organization." "Walang lumalampas sa organization namin na red mission dahil kayo na ang tumatapos nuon." "Buong buhay ko nakasandal ako sa inyo." "Inoobliga niyo ang sarili niyo sa amin ni Alvis. Sa totoo lang kuya malalaki na kami." "Kaya na namin ang sarili namin." "Sinasabi mo bang hindi mo na kami kailangan?" tanong ni Harold na kinabagsak ng balikat ni Marc. "Kailangan namin kayo bilang kuya," sagot ni Marc. "At gusto ko na din kayo makita na magkaroon ng sariling pamilya. Maging masaya." "Gusto ko maranasan niyo din na maging masaya at maobliga sa iisang tao. Hindi dahil sa responsib