Chapter 34 3rd Person's POV; Nang magising si Marc nasa pamilyar na kwarto na siya. Tiningnan niya ang sarili at nakita niya na nakasuot siya na pulang gown. Nag-angat ng tingin si Marc hanggang sa mapako ang tingin niya sa salamin na nasa ibaba ng kama. Kitang-kita niya duon ang sarili. May suot na gown at wig na malaki ang pagkakapareho sa buhok ng ina. Naiyukom ni Marc ang kamao bago bumaba sa kama at pumikit ng madiin. "Kailangan ko mailigtas si Samantha," bulong ni Marc. Tumayo ang binata at sinuot ang heels na nasa ibaba lang ng kama. Naglakad ang binata palabas ng kwarto. Marc Lawrenz Salvacion's POV Tinanggal ko na ang pagkatao na ito sa sistema ko. Pero wala akong magagawa kung hindi gawin ito sa huli pang pagkakataon. Ito lang ang paraan para mailigtas ko s