Chapter 35 3rd Person's POV "Guardian angel daw, nababaliw kana." Nagtawanan ang mga kaklase nitong babae matapos marinig ang sinabi ni Samantha. Nakita kasi nito na may laman na ulit ang lunch box niya. Mukhang mas masarap iyon kaysa sa baon niya. Hindi pinansin ni Samantha ang mga pang-aasar ng mga kaklase at kumain na lang siya. "Wala ka na naman baon Marc?" "Gusto mo sayo na lang itong food ko," napatingin si Samantha sa pinakalikuran ng upuan matapos makita na nagkakagulo duon ang mga babae. Tuwing lunch break nagkakagulo duon ang mga batang babae para ayain mag-lunch si Marc na kinaiinis ng batang lalaki. "I'm good, hindi ko kailangan ng pagkain." Pinipigilan ng lalaki na mapairap dahil sa mga kakulitan ng kaklase niya. — Nang araw na din iyon pagkatapos ng klase. K