Chapter 36 3rd Person's POV Tahimik ang lahat matapos ianunsyo ni Hades na wala na ang ina at kasalukuyang nasa ICU ang leader ng Blue lion. "Kamusta si Samantha at Marc?" basag ni Lucian. "Nawalan lang ng malay si Samantha at si Marc. Hindi ko pa masasabi ngayon na stable na ang lagay ni Marc dahil under observation pa din ang lagay niya ngayon." Napasapo sa noo si Arc matapos marinig iyon. Hanggang sa mapatingin siya kay Alvis na naglakad papunta sa kabilang dako ng hallway. Patuloy lang sa paglalakad sa hallway si Alvis hanggang sa makarating siya sa harap ng pintuan ng morgue. Binuksan niya ang pintuan at pumasok sa loob. Napako ang tingin niya sa kaisa-isang katawan na nasa loob ng malamig na kwarto. Humakbang palapit sa bakal na higaan ang binata at tiningnan ang n