Chapter 41 3rd Person's POV "Iba-iba ba nanay namin?" "Paano naman nasingit na iba-iba nanay natin?" tanong ni Kenjie kay Harold. "Tinanong ni Arc kung ayaw niya kay mommy." "Sa dami natin na ito imposible na ayaw ni dad kay mom." "Pero pinalayas ni dad si mom tapos pinalit 'yong mommy nina Alvis." Natahimik ang magkakapatid matapos may ma-realize. "Kaya ayaw ko mag-asawa dahil hindi 'naman 'yon panghabang buhay. Sayang lang sa oras," out of the blue na sambit ni Yuan na nakaupo sa damuhan at nakasandal sa bench. "Hindi na ako naniniwala sa pagmamahal." "Bitter mo tangna ka," ani ni Harold. "Hindi pa naman nagkaka-girlfriend," may pang-aasar na sambit ni Kenjie. "Sobrang mahal ko ang mommy niyo," ani ng matandang Salvacion na kinatingin ng magkakapatid. "Sobrang mahal