Chapter 42 3rd Person's POV "Dad," ani ni Samantha matapos bigyan ng juice ang nagsilbing pangalawang ama sa kanya. Tumabi ito sa matanda kaya tiningnan siya ng matandang Salvacion. "Nasaan si Marc?" tanong ng matanda. "Kausap po ng mga kapatid niya," sagot ni Samantha. Habang tinitingnan ng matanda si Samantha biglang pumasok sa isip niya ang namayapang unang asawa. Natawa ang matanda kaya napatingin si Samantha. "Naalala ko 'nong nasa tiyan ka pa ng mommy mo. Kinausap ng mommy mo ang asawa ko about sa gusto niya na isa sa mga anak namin ang gusto niyang pakasalan mo." "Nakilala niyo po ang mommy ko?" ani ng babae na mukhang naging interesado sa sinasabi ng matanda. "Yes at siya lang ang kaisa-isang naging kaibigan ng mommy nina Arc." "Masayahin din siya katulad mo." "N