DUMATING ang monthsarry na naman namin ni Rick sa buwan ng February na ‘yon at ‘di tulad ng dati ay parang naging ordinaryong araw na lamang ‘yon para sa aming dalawa. Hindi na kagaya ng dati na sobrang special na mag-e-effort kami sa isa’t-isa para i-celebrate ang monthsary. Siguro dahil pareho kasi kaming busy sa kanya-kanya naming priorities. “Happy monthsary, love.” We just greeted each other the moment we woke up that day, at nagmamadali naman si Rick na umalis papuntang opisina niya. I just shrugged after hearing his car going outside. Siguro ganoon nga, basta matagal na sa relasyon ay hindi na nagiging big deal ang lahat, ‘di tulad noong mga naunang linggo, buwan at taon. Weekend naman kaya walang duty at school kaya naiwan akong mag-isa sa bahay, and as usual, bored. Isa lang na

