I WAS kind of intrigued. Iba kasi yung way of greeting niya eh. It’s really unique. ‘Di katulad ng madalas na simpleng Happy Valentine’s Day lang. Ito, aba’y may pa-origin! So, may natututunan ako kahit na papa’no! I replied. Me: Wow. What a unique way of greeting! You really presented an origin, though copy+pasted lang din from the internet. Haha. Anyway, Happy Valentine’s Day too. Nakita kong gumagalaw ang three dots sa may ilalim ng pangalan niya sa Messenger, an indication na nagtitipa siya ng irereply. Habang naghihintay sa kanyang reply, I decided to stalk his profile. In fairness friends kami kahit hindi ko maalala kung kailan ko ki-nonfirm ‘to. Siguro isa ‘to sa mga nag-add friend sa akin dati pa no’ng hindi pa ‘ko masyadong maselan sa mga kino-confirm ko at baguhan

